Last Updated on Friday, 19 November 2010 14:31 Friday, 19 November 2010 13:45
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagkaharap ang magkabilang panig.
Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nabuo sa meeting ang mga talking points at mga guidelines na tatalakayin sa susunod na pagkikita na itinakda sa ikalawang linggo ng December.
Ayon kay Lacierda, natutuwa umano ang mga obispo dahil interesado ang MalacaƱang na humarap sa kanila.
Kabilang sa dumalong obispo ay sina Bishop Soc Villegas, Bishop Luisito Tagle, Monsignor Figura at ilan pang miyembro ng simbahang Katolika.
Pinangunahan naman ni Health Sec. Enrique Ona ang grupo ng gobyerno kasama sina PMS Sec. Julia Abad at Lacierda.
Binigyang-diin umano ng gobyerno na wala pa silang posisyon sa Reproductive Health Bill at trabaho ito ng lehislatura.
Kasabay nito, inulit ni Lacierda na hindi nagbabago ang kanilang posisyon na tutol sila sa abortion; pabor sa pagbibigay karapatan sa mag-asawa na magdesisyon para sa pamilya; irerespeto ng estado ang karapatan ng bawat isa na sundin ang kanilang konsensya at pananampalataya; responsibilidad ng estado na tulungan ang mga mahihirap na pamilya na makakuha ng sapat na impormasyon sa pagpaplano at pantay na ipapakilala ang natural at modernong paraan ng family planning.

OPINYON :
Sa panahon ngayon marami tayong makikitang mga pamilya na halos isang dosena o mas marami pang mga anak sa isang pamilya na malimit ay nagiging sanhi ng kahirapan na nag-uudyok para gumawa ng masamang bagay ang isang tao,ipaampon,ipagbili o ipalaglag ang sanggol na walang kamuang-muang sa mundo upang maiwasan ang ganitong bagay dapat magplano muna tayo kung ano yung alam nating magiging maayos ang buhay ng ating magiging pamilya.Alamin muna natin kung kaya nating bumuo ng isang pamilya na kung saan makakapag-aral,mapapakain at kung mabibigyan mo ng magandang kinabukasan ang iyong anak at ang pamilya mo.sana'y hindi makabilang sa pagkadami-daming problema ng ating bansa ang iyong pamilya.
IKAW? HANGAD MO BA NG ISANG MAAYOS NA PAMILYA?
Halika't magplano na para sa magandang bukas ng iyong pamilya.

Sa tingin ko dapat lang na isagawa ito ng bawat pamilya upang hindi dumanas ng kahirapan, sa pamamagitan nito mababawasan ang krisis ukol sa kahirapan. Sa tulong nito magiging maayos ang kalagayan ng isang pamilya..
ReplyDelete